Monday, November 26, 2007

errr.

http://saywhatever.multiply.com/

Saturday, November 03, 2007

happy-ness

Tulad ng huling enrty ni Miss Sharon sa kanyang blog ang aking pakiramdam. Ngunit hindi ito nangangahulugang ayoko sa nararamdaman ko ngayon. Nakakabagot lang, nakakainis. Hindi ako makapagbasa ng mga librong gusto kong bsasahin sapagkat ang isipan ko ay puno ng mga pantasyang nakakasuka. Lulong na ako sakaniya.

Minsan pinilit kong basahin ang librong nirekomenda ng isa kong kaibigan, ngunit sa gitna ng aking pagbabasa ay tumambad sakin ang pangungusap na ito - "Winter isn't far". Napangiti na lang ako, tumigil sa pagbabasa at kinausap na lamang siya.

Aaah, nagiging unproductive na ako. Tunay na nga ang aking nararamdaman.

Kagabi di ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata. Masaya lang talaga ako, sobrang saya.

Saturday, October 20, 2007

liham





im so inlove it scares me.

Wednesday, October 17, 2007

kilig

so. isa daw akong bulaklak.

sabi niya - "sa tuwing makakakita ka ng bulaklak, normally pipitasin mo, hahawakan mo hanggang malanta. pero ikaw, dapat hindi pinipitas, itinatanim, nilalagay sa magandang pot, ididisplay sa bahay para araw-araw masilayan, araw-araw maalagaan."

super natawa ako. ^_^ amp. sa angas ng itsura niya, ganyan siya magsalita? haha. katuwa.

Thursday, October 11, 2007

kuwento na naman

Eventually... nalaman din nilang lahat. Medyo nakakatuwa lang mga reaction ng mga tao.

Mura galing kay Titit.
Isang OMG mula sa kapatid ko.
Whoah mula kay Jai-jai.
Isang WTF kay JC.

at super dami pang iba. hehe. Pero, sa kabila ng mga iyan, napangiti din sila katulad ko. Di mapagkakailang masaya ako ngayon.

Nakakatawa lang, maging ako din naman nabigla. Ito'y isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko naanticipate. Ilang libong beses na ba kaming nagkakasalubong simula ng bata kami? Di ko na mabilang. Ilang beses ko lang ba siya nabigyan ng katiting na espasyo sa isipan ko? Nuong HS na lang siguro. Nung nakatanggap ako ng text message galing sakaniya, pero ang mensaheng iyon di naman para sakin kundi para sa kaklase ko. Dahilan nun, ng minsan ko siyang nakitang nag-iisa sa tree house eh pinagmasdan ko siya. Napaisip at nahiwagaan kung ba't ganun na lang ang ibang babae sakaniya. Nung mga oras na iyon, napagtanto ko sa sarili ko na ok naman pala siya, pero di ko pa rin siya gusto. harhar. Kaya naman, ganun nalang ang treatment ko sakaniya ng pinansin niya ko tatlong taon na ang nakakalipas. Pakiramdam ko tama nga ang hinuha namin sa kaniya. Pero, makulit siya. Hoping talaga. Nabulag ko ata.

Pero weird. Naalala ko, nung galing kami nila Ivan sa Tagaytay nung summer. Nadaanan namin school niya pauwi. Naisip ko siya bigla nung bumabyahe kami. Little did I know na ilang buwan matapos ang insidenteng iyon makikita ko ang mga sarili namin na magkahawak ang kamay. Nakakatuwa.

Medyo napabilis pero ewan ko ba, di ko matulak talaga eh. Medyo baku-bako nga lang ang dinadaanan namin ngayon. Pero di namin alintana. ^_^

Ngayon lang din siguro ako nakaranas ng ganito. Tipong, super pampered ka.

"Belong to me at last,through all those complex years i thought I was alone..then u came." -sino naman makakaresist niyan?.

Wednesday, October 03, 2007

kuwento


ngayong taon, nangyari ang mga bagay-bagay na ni minsan hindi sumagi sa utak ko.

nagsimula lahat nung summer.

nauna si lizabee. natapos ang mahigit apat na taong pagsasama nila ni miguelito.

biglang-bigla kaming lahat.

kaya naman ako. ipinangako sa sarili ko na aalagaan ko ang relasyon na meron ako. kahit alam kong binubulag ko lang ang sarili ko.

patuloy akong naging bulag, ngunit unti-unting nakaka-anino sa mga nangyayari sa harap ko.

dumating si miguel. a.k.a MASA.

kasabay din ng pagdating ni daddy long legs sa buhay ni lizabee.

sa kanyang pagdating tuluyan na akong nagising. namulat sa katotohanan.

ngunit.. ang pangyayaring yaon, ang nag-udyok sakin, hindi upang muling mabulag, kundi managinip at mangarap naman.

katulad ng pagpapangarap na ginawa ni lizabee kay daddy long legs.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _


sabay kaming iniwan. sabay muling umibig. sabay umiyak.

sabay nakaramdam ng pag-iisa at pagkabigo.

hanggang sa durog na durog na kami.

iniwan. muling umibig. nangarap. ngunit.. nanatiling mag-isa.


sumunod si tiki.

nagimbal kami. inseperable sila ni tin. ilang taon na rin sila. sabay boom!

nawala na lang bigla.

iyakan. maraming luha. maraming kape session. iniwasan ang alak.

kumain ng maraming tsokolate. at sabay-sabay na muling nangarap.

umattend ng sangkatutak na seminar ukol sa pelikula.

nagpakalulong sa pag-aaral.

tumambay sa library, upang magpakadalubhasa sa pelikula at sa kasaysayan.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _


muling namulat.

kaya gumising na sa mahimbing na pagkakatulog.

iniwan ang aming magagandang panaginip.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

si tatang may karelasyon na walong taon ang agwat sa kanya.

chicks pare! top 4 sa MC.

tanga!

pero inaalagaan ni tatang. astig.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

nagising na.

namulat.

ngayon bumabangon.

dumating si wen kay lizabee.

kasabay din ng pagdating ni winter kay patring.

masaya.

aah.

masaya na finally.

susunod na si tiki.

hopefully. ^_^

Friday, September 28, 2007

inamin ko na. =p

last night was overwhelming.

i told him i love him. hehe i dont know what's next.

nawindang na naman ako.